GUARDIANS BROTHERHOOD INC-mainstream The First The Original (NAJRAN KSA)

Finnish is the main language of GUARDIANS BROTHERHOOD INC-mainstream The First The Original (NAJRAN KSA) facebook group. It is a CLOSED group. They attracted 96 members. So it is a Tiny group. You can find this group by searching 1433700323549397 on Google, Bing or Yahoo. 2015-02-28 15:37:14 is the closest date we have information about it.

"ALITUNTUNIN NANG ISANG TUNAY NA GUARDIANS"**
**Uminom ng wasto lamang.
**Tumanggap ng pagkakamali.
**Isa-puso ang kabutihan ng lahat at iwasan ang pagsisiraan.
**Iwasan ang walang-kabuluhang pagtatalo at labis na biruan.
**Huwag maging sanhi o makibahagi man sa anumang kaguluhan.
**Ipadama ang tunay na pag-mamahalan sa pakiki-isa sa Kapatiran.
**Huwag bigyan ng puwang sa Kapatiran ang intriga, poot, inis, inggit at selos.
**Ipamalas sa lahat ang mabuting asal, pag-galang at pag-tulong sa kapwa tao.
**Irespeto ang mga kababaihan, matatanda at bata; igalang ang kanilang pantay na karapatan sa lipunan.
**Ingatan ang nakatatak sa balikat ito ay palatandaan ng mabuti, malinis at may pamantayang moral tungo sa kaayusan at kalinisan ng pagka-tao.
**Huwag maging sanhi ng kapahamakan ng kapwa GUARDIANS.
**Maging kaagapay ng sambayanan sa pakikipaglaban sa mga suliraning-panlipunan.
**Isangguni sa kinauukulan o sa nakatataas ang mga suliranin upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan.
**Maging mulat na kasapi na may tunay na paninindidigan.
**Laging isa-isip ang katayuan bilang GUARDIANS, anuman ang antas sa buhay.
**Ikarangal ang pangalan ng Kapatiran sa pamamagitan ng pag-sunod sa batas.
**Bigyan ng pagpapahalaga ang mga tungkulin at mga gawain sa Kapatiran.
**Tumalima sa batas at mga tradisyon ng Kapatiran nang hindi maparusahan.
**Dumalo sa lahat ng pagpupulong nang hindi pagmultahin.
**Gumalang sa mga nakatataas at sa pamunuan.
**Pairalin at palawakin ang demokratikong pamamalakad.
**Huwag pairallin ang sariling sistema maliban sa naitakdang mga batas at alituntunin na dapat igalang at sundin.
**Tumulong sa pagpapalaganap ng tunay na layunin ng GUARDIANS.
**Sikaping maging isang GUARDIANS sa ISIP, sa SALITA at sa GAWA, taglay ang buhay na diwa ng kapatiran.Isa-isip ang PANATA NG GUARDIANS,,Mabuhay tayong lahat at Mabuhay ang Sambayanang Pilipino.