BARANGAY SAN ROQUE, CITY OF MARIKINA

BARANGAY SAN ROQUE, CITY OF MARIKINA is a Finnish group. Having alot of group type in Facebook: close, open and secret and it is a CLOSED group. There are 1,830 participants in that group. So people rank it like a Medium group. You can find this group by searching 116898071728836 on Google, Bing or Yahoo. 2015-02-19 11:29:12 is the closest date we have information about it.

FB Group Barangay San Roque, City of Marikina
Created By: Leo Ignacio

Tunay kang taga San Roque kung....
Tunay kang taga San Roque... kapag ang tawag mo sa ating Mahal na Patron ay si "Tata Roque"... naging miyembro ka ng "Barrio Fiesta Committee"... at sa kapistahan ni "Tata Roque", kahit umulan man ay tiyak na tuloy ang prusisyon at ang mga kalalakihan ay tumutulong sa pag-buhat sa kanyang "karo".
Tunay kang taga San Roque... kung sa kapistahan ni "Tata Roque" ay may handaan o pagkain kayong pininyahang manok, waknatoy, everlasting, hamonado... at mga iba pa.
Tunay kang taga San Roque... kapag alam mo ang mga samahan ng... AKLAT, EH PAANO, BOTIK, SAROMARI, KRACKNUT'S, SKULL, RHUGS, FOXBAT, BATANG KUBO, BATANG LAMBAK... at mga iba pa.
Tunay kang taga San Roque... kapag napunta ka sa tindahan ni JUSTINA, FREDDY, ODYANG, SALUD, JACK, EDYOS, sa LUYONG, sa GOTO GARAHE, sa LUMANG SABUNGAN, sa COFFEE HOUSE, sa JOHNNY"S FRIED CHICKEN... at mga iba pa.
Tunay kang taga San Roque... kung noong bata ka pa ay bumibili ka ng holen, tarumpo, teks, tirador, mga laruan o mga bunot kina Mang Mino, Aling Tibang, Aling Salome, Ombok... at mga iba pa.
Tunay kang taga San Roque... kung natatandaan mo ang nga pagawaan ng sapatos... Lobell's, Nit'z, Etta Kit, Meg's, Chibum, Ignacio's, Carmelettes, Jem's, Joline, Jemellee, Modern Heals, Danny Deb's... at mga iba ba.
Tunay kang taga San Roque... kapag marunong kang magsugal... manilla, majong, bingo, sakla, pusoy, sabong, monte, jueteng at siyempre... KASOY!!!.
Tunay kang taga San Roque... kung kilala mo ang mga angkan ng mga Adobo, Ampalaya, Hambog, Hapon, Petok, Hangin, Bumbong, Kumag, Balandres, Baka, Upak, Daga, Haba ... at mga iba pa.
Tunay kang taga San Roque... kung kilala mo sina Nicanor Roxas, Justo Salvador, Guillermo Ambrosio, Benigno Victorino, Julio Santos, Rufino Hipolito, Mauricio Caparas, Quirino De Guzman, Bartolome De Leon, Faustino Paz, Ignacio Cruz, Pablo Carlos Sr., Munding De Guzman, Melanio Eustaquio, Judge Gorio Dela Paz, Liling Gomez, Pakit Sta Ana, Emong De Guzman, Pitong Santos, Cesar Ignacio, Cefe & Nano Enriquez, Nano Mariano, Eutiquio Capco, Tereso Pasco, Pilo De Guzman, Pio Santos Sr., Hilario & Segundo Roxas, Dr. Ruding Mendoza, Dr. Deriong Sta Ana...at mga iba pa.