Complaint for Excessive Placement Fee

N/A is the main language of Complaint for Excessive Placement Fee facebook group. It is a CLOSED group. There are 4,684 participants in that group. So people rank it like a Medium group. 342979349195817 is the identifier of this group with Facebook. 2015-03-29 09:49:29 is the closest date we have information about it.

1. Ang legal placement fee na pinapayagan ng MECO ay Php 50,000(Factory worker), Php 20,000(Caretaker). Maari kang humingi ng hanggang 100% refund ng Excessive Placement fee sa Agency mo kung kayo magkakaroon ng kasunduan.

2. Ang patakaran ng opisina ng MECO kung kayo ay magkasundo, kailangang umabot o humigit sa 50% ng sobrang ibinayad mo sa Agency ang refund na maibabalik sayo.
Kung hindi umabot ng 50% ang irerefund ng Agency pero gusto mong tanggapin, pwede kayong magkasundo sa labas ng opisina ng MECO at hindi kailangang pumunta sa opisina ng MECO, pero ang complaint mo ay ipapadala ng MECO sa POEA upang kayo ng Agency mp ay doon na mag-ayos sa kasong inireklamo mo.

3. Kung ikaw ay magrereklamo sa opisina ng MECO Labor, hindi maaaring magwithdraw ng complaint kung walang kaukulang refund na maisasauli sa iyo.

Kung hindi kayo magkasundo ng Agency sa loob ng isang buwan ay ipaladala ng MECO ang dokumento sa POEA para doon dinggin ang kaso. Ikaw ay papadalhan ng NOTICE upang umanttent ng hearing sa POEA. Ang POEA na ang hahawak at magdedesisyon sa kaso. >>> Kung ikaw ay nasa Taiwan pa, maaaring magpagawa ng SPA (Special Power of Attorney) para sa iyong representative na umattend ng hearing. Lahat ng pag follow-up ng estado ng iyong kasp ay sa POEA na gagawin.

4. Kapag umabot na ng isang buwan simula sa araw ng reklamo mo. Ikaw ay maaaring magfollow-up by fax sa opisina ng MECO.

Kailangan mong sumulat sa MECO na ikaw ay nakapagreklamo na at hindi ka kinakausap o hindi nagkasundo at isang buwan na ang nakalipas. Isulat din na kung maaaring bigyan ng MECO ng LAST WARNING ang Agency mo bago ipadala sa POEA ang mga dokumento mo o maaari ding hilingin na ideretso na sa POEA ang complaint mo laban sa Agency.

5. Hindi mo kailangang iUpdate ang MECO sa pag uusap ninyo ng Agency. Kung hindi sila pumapayag sa hiningi mong halaga o ayaw mong tanggapin ang inaaalok nila o hindi umabot sa halaga ng patakaran ng MECO na nakasulat sa No. 2, ibig sabihin walang kasunduang naganap. Pakibasa ulit ang No. 3.

6. Kung kayo ay magkakasundo, sabihin sa Agency mo na sila ang magFax ng appointment letter sa opisina ng MECO upang kayo ay magkita s MECO magbayaran sa harap ng MECO Labor Staff para matapos o maisara ang kaso mo.