JOBS for CAVITEÑOS

JOBS for CAVITEÑOS is a Finnish group. It is a CLOSED group. There are 2,051 participants in that group. So it is a Medium group. 582830958487743 is the identifier of this group with Facebook. Last update is on 2015-02-20 06:58:14.

READ BEFORE YOU BROWSE ....
PARA SA MGA BAGO AT SA LAHAT

1.Ang purpose po ng group na ito ay para sa mga naghahanap ng trabaho at naghahanap ng mga magiging trabahador nila. Hindi po kaming mga Admin at other Members ang magbibigay sa inyo ng INSTANT TRABAHO, andito po kami upang tulungan lamang kayo na mapadali ang paghahanap kung saan ang may mga hiring jobs. Hindi po kami obligado na kami mismo ang kikilos para sa magiging trabaho niyo. Nandito lang kami para magpost at sumagot sa ibang katanungan niyo perp kayo naman na po siguro ang dapat maghanap at magbasa. Wala po kaming sahod na matatanggap sa ginagawa namin pare-pareho lang din po kaming mga Admin na naghahanap ng trabaho.

2. Iwasan po natin ang masyadong maraming DOUBT sa sarili o yung halos wala ng bilib sa sarili. Halos lahat kasi napapansin ko nagtatanong ng 'PWEDE KAYA AKO JAN KASI GANITO, GANYAN at GANUN EH' nako naman kung dito palang po ay wala na kayong bilib sa sarili niyo pano po talaga kayo makakapag-hanap ng trabaho?

3. Ang paghahanap ng trabaho ang isa sa may pinakamalaking RISK ng buhay. Wag matakot sumubok. Wag matakot na mag-FAIL kasi kasama yun, walang taong may trabaho ang nasa posisyon niya ngayon na ni minsan sa buhay niya ay hindi natanggap sa pinag-applyan niya. Wag matakot sa mga masasayang na pera ano ba naman yun kapag nakapagtrabaho ka na diba sulit naman at isa pa magkano lang naman yun. Wag mamili ng trabaho kung ano sa palagay mo ang meron at alam mong qualified ka sunggaban mo na kahit tagapunas o buhat lang yan push mo na kasi sa ganyan naman lahat nagsisimula ee wala namang nag-apply na naging MANAGER at BOSS agad diba, EDI WOW KUNG GANUN. Gain more experience lang pang paganda ng resume yun pero syempre yung experience naman na matagap, wag naman yung ang dami mong pinasukan puro iisang buwan pang naman.

4. WALANG IBANG TUTULONG SA SARILI MO NA MAKAPAGTRABAHO KUNG HINDI IKAW DIN MISMO. Wag po tayong umasa ng puro hanap lang sa internet o facebook. Maghanap po ng personal mismo mas marami po kayong makikitang trabaho.

*** SALAMAT PO

- admin Rechelle