T. Paez Alumni Association

T. Paez Alumni Association is a Finnish group. Having alot of group type in Facebook: close, open and secret and it is a CLOSED group. There are 6,255 participants in that group. So people rank it like a Large group. You can find this group by searching 395262110529098 on Google, Bing or Yahoo. Last update is on 2015-02-24 01:07:12.

Welcome po sa ating T.Paez Alumni Association group page! :}

…Kung saan dito po ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga Paezian.
Ang layunin ng GROUP PAGE na ito ay panatilihin ang magandang kapatiran at pagbubuklod ng lahat ng Batch bilang isang solidong pamilya o barkadahan.

Tara at makipagpalitan ng ideya, mula sa puso man o isipan, at sariwain ang magagandang alaala at makabuluhang kinabukasan ng ating alumni.

Maaari po ninyong ipahayag ang anumang nais ninyong talakayin ukol sa mga bagay-bagay sa ilalim ng bilog na araw at buwan…

…Alinsunod lamang po mga simpleng patakaran na ito:

1) Mahigpit na ipinagbabawal po ang pagbanggit ng anumang masama o malisyosong salita tulad ng pagmumura o mga kataga/pangungusap na may intensyong makasakit o makasira ng inyong kapwa.

2) Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagPOST ng mga mapanira o mapanakit na mga larawan

3) Kung may namumuong tensyon na dulot ng isang POST, mariin at mahigpit na ipingababawal ang:

a) PAGSAWSAW
b) PAG-GATONG
c) PAGKAMPI
d) PAGKONTRA

Upang hindi na tuluyan pang lumaki ang isyu na sadya man o hindi sadyang pinapatukuyan ng POST.

4) Ang sinuman na magPOST ng alinmang may intensyon na makapanira, makapanira o may malisyang pagsalungat sa ka-myembro ng ALUMNI ASSOCIATION GROUP PAGE ay bibigyan ng tatlong (3) kaukulang mga babala upang tanggalin ang POST niyang iyon.

Ang hindi pagtugon sa tatlong babala na iyon ay papatawan ng TEMPORARY MEMBERSHIP SUSPENSION ng isang buwan.

Sa kanyang pagbalik sa grupo pagkatapos ng isang buwan na iyon at patuloy pa rin siya sa paglabag, wala na siyang matatanggap na babala at AUTOMATIC na PERMANENT BLOCKAGE FROM THE ALUMNI ASSOCIATION GROUP PAGE ang kaagad na iapapataw sa kanya.

Ang mga patakaran na ito ay binuo para sa ikabubuti at ikatatahimik ng GROUP PAGE NATIN. Ang nais lang naming ay maging maaliwalas sa lahta ng pagkakataon ang hated na ambience ng GROUP PAGE na ito sa inyo at para mag-enjoy kayo.

Kung may kaukulan po kayong mga suhestyon o ideyang nais ipahatid nang pribado sa amin, maaari po ninyong padalhan ng private message ang sinuman pos a ating mga GROUP PAGE ADMIN.

Maraming maraming salamat po sa inyong pagsali sa GROUP PAGE na ito.

Mabuhay ang Alumni. PROUD TO BE PAEZIAN!!!